Tagosds.Org Discussion Board

Laong nila an taga Tago kuno para-away pero hanugay. Mamingawuni naman ganahani mandahap-dahap nan notisya. Naman ini na pabyon inhimo para kita na mga Tagon-on magkasinusihay, magka-binayluay nan mga gilaong, nan notisya, nan kaayuhan.
It is currently Fri May 25, 2018 3:29 am

All times are UTC + 8 hours




Post new topic This topic is locked, you cannot edit posts or make further replies.  [ 3 posts ] 
Author Message
 Post subject: ANG SARAP MAGING SENADOR
Unread postPosted: Sat May 19, 2007 3:08 am 
Offline
Chief Moderator
Chief Moderator
User avatar

Joined: Tue Apr 12, 2005 2:53 am
Posts: 1893
Location: WatersEdge
ANG SARAP MAGING SENADOR!

Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam
Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador
dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na *P35,000* suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa
milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed
Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang *P2 Milyon.*

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang *P500,000* ang budget nila
sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at
Domestic Travels) at *P500,000* para sa Staff at Personal expenses.
Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila.
Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may *P760,000* allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailangan i-liquidate
ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang
Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee
Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga
Senador na humigit-kumulang *P1 Milyon* din! Hindi sila mawawalan ng
Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado.

There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang
benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat
taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na *P20 milyon*. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng *P100
milyon*sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi
lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga
Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR ! ! !

LET YOUR FRIENDS AND LET THE WHOLE COUNTRY KNOW THAT ELECTION IS MORE OF PUTTING AMBITIOUS PEOPLE IN POSITION WHO ARE GREEDY IN POWER, WEALTH & PRESTIGE THAN OF PUBLIC SERVICE. ANG MASAKIT PAPERA NG BAYAN PARIN GAGAMITIN SA ELEKSYON MALUKLOK LANG ANG MGA BUWAYA SAPWESTO


KAYA SA SUSUNOD NA ELEKSYON, KUMANDIDATO NA RIN TAYO






_________________
What is essential is invisible to the eye.

GOD doesn't need my ability, but my availability.


Last edited by cordapya on Sat May 19, 2007 6:50 am, edited 1 time in total.

Top
 Profile  
 
 Post subject:
Unread postPosted: Sat May 19, 2007 5:59 am 
Offline
Thread Moderator
Thread Moderator
User avatar

Joined: Thu Mar 16, 2006 10:47 am
Posts: 620
Location: Alaska
Birthday: 01 May 1964


Abbs, iton kaw...hahahahahahahah........tawahi ako can't you see???? hain an budget nan toilet paper....hahahahahah...hahahahah...


Top
 Profile  
 
 Post subject: manday
Unread postPosted: Sat May 19, 2007 6:23 am 
Offline
Certified Member
Certified Member

Joined: Sat Dec 02, 2006 7:16 am
Posts: 285
Sino kaya and tinamaan ng linyang ito "Ang masakit Pa pera ng Bayan parin gagamitin sa Eleksyon Maluklok lang Ang Buwaya Sa Pwesto". As if I can relate the character to someone familiar to our ear. All I can say is, be kind to animals. ha! ha! ha! to you monster!


Top
 Profile  
 
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic This topic is locked, you cannot edit posts or make further replies.  [ 3 posts ] 

All times are UTC + 8 hours


Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest


You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot post attachments in this forum

Search for:
Jump to:  
cron
Powered by phpBB® Forum Software © phpBB Group