Muntik Na Kitang Minahal

Express yourself. Convey your thoughts.

Moderators: kampanaryo_spy, cordapya, pato

Post Reply
User avatar
Alone
Occasional Member
Occasional Member
Posts: 28
Joined: Sat Jun 09, 2007 3:47 am
Location: Somewhere..

Muntik Na Kitang Minahal

Unread post by Alone »

May sikreto akong aaminin sa’yo…
Mayroong nangyaring hindi mo alam…
Itong isang lihim, itinagong kay tagal


Ayokong sirain kung anuman ang meron tayo. Matagal-tagal na rin kasi tayong magkaibigan noh!

Alam mo ba na nagulat ako nung araw na tinawag mo akong bestfriend? Naman!!! Sawang sawa na ako sa bestfriend bestfriend na yan! Huling beses na nagkaroon ako ng "bestfriend”, napahamak lang ang puso ko. Nasira pa ang isang pagkakaibigang itinatangi ko. Saka, heller! May bestfriend na kaya ako!


Di ko noon nakayang ipadama sayo…Ang nararamdaman ng pusong ito…

Hindi ko naman kasi ineexpect na meron akong mararamdaman. Ika ko nga, i-deny hangga’t kaya. Feeling ko hindi pa ako handa. Feeling ko nalungkot lang ako, na kinailangan ko lang ng makakasama. Makulit ka kasi, Kakaiba ka rin. Mapang-asar pero malambing. Malay ko bang darating sa punto na ikaw ay isa sa mga iilang dahilang nagpapangiti sa akin at nagkukumpleto ng araw ko?

Di ko alam kung ano ang nangyari…
Damdamin ko sayo’y hindi ko nasabi…


Humingi ako ng sign. Sabi ko dati hindi na ako naniniwala sa soulmates, sa fate at destiny o kung ano man yun! pero hayun ako, eengot-engot na nagmakaawa sa kalangitang pagbigyan ako sa kahilingan ko. Tatlong beses akong humiling, tatlong beses rin ako sinagot.

At hanggang ngayon, naaalala pa…

I got what I asked for and guess what? Nasaktan ako.

Masakit kasi kahit papaano umasa na rin ako. Mahirap balewalain ang boses sa utak kong nagsasabing kalimutan ko na lang kung anuman itong nararamdaman ko kasi sobrang imposible na kaya mong suklian ito.

Pride? Siguro.

Nakanaman kasi. Bakit ang labo mo? Bakit ang dami mo nang sinabi pero hindi mo naman pinatunayan? Sobrang inconsistent mo. Sana ginalingan mo na din ang pagtiming para sana ayos lahat ngayon.

Bad trip talaga. Sawi talaga siguro ako.

Hay. I guess it just wasn’t meant to be.

Muntik na kitang minahal…
"Somethings are not meant to last. Let us leave it that way. Its better that we move on and continue our lives."

Post Reply