Tagosds.Org Discussion Board

Laong nila an taga Tago kuno para-away pero hanugay. Mamingawuni naman ganahani mandahap-dahap nan notisya. Naman ini na pabyon inhimo para kita na mga Tagon-on magkasinusihay, magka-binayluay nan mga gilaong, nan notisya, nan kaayuhan.
It is currently Wed Oct 17, 2018 2:54 am

All times are UTC + 8 hours




Post new topic Reply to topic  [ 1 post ] 
Author Message
 Post subject: Ang galing ni Bebeng
Unread postPosted: Mon Nov 19, 2007 12:50 pm 
Offline
FOUNDER & ADMINISTRATOR
FOUNDER & ADMINISTRATOR
User avatar

Joined: Thu Jan 01, 1970 8:00 am
Posts: 3111
Location: Taga Silang/Las Pinas City
Birthday: 25 Sep 1976
"Ang galing ni Bebeng"

Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang
kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina
nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe
pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi
na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.
Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya
niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng
ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak,

"Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong
mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang
mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang
kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng
ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman
ng liham na mu la kay Bebeng:

Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa
pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng
pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit
$10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong
halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang
mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na
karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas na
suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng
de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport
na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa
puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na
kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang
pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para
sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata.
Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene..

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay,
japanese version ng pokemon trading cards at
stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren,
apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa
ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko.
Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong
warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo
sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan
ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo
Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at
'yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee
caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak
mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng
Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng
mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang
dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at
tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa
kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag
mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra ( Victoria 's Secret ata
ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang society
natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong
inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang
ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay,
suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na
wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na
naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo
sa A TM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya
para pag namatay si Tatay may pambili na ng
ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may
nakakabit pang anim na nail cutters)
nagustong-gusto mo, ditse, ay suot-suot din ni
nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang
isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may
isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon
niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga
iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka
mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta
parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse.
Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay.
Pamimisahan ko na lang siya rito.</I>

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing.
Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang
lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Bebeng

_________________
"Unless you try to do something beyond what you have already mastered, you will never grow."
- ronald e. Osborn


Top
 Profile  
 
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic Reply to topic  [ 1 post ] 

All times are UTC + 8 hours


Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest


You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot post attachments in this forum

Search for:
Jump to:  
cron
Powered by phpBB® Forum Software © phpBB Group