SULAT NI BEBENG (nasa abroad, OFW)
Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito at dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lamang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.
Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo yan...hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ni inay"
Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat na naka-staple sa dibdib ng ina. Kinuha nila at binasa. Ang nilalaman ng lihan na mula kay Bebeng:
Mahal kong Tatay at mga kapatid,
Pasensya na kayo at di ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riya sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...
Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karne-norte at isang dosenang Spam. Ang Adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.
Ang iba't ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte . Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bay ay para kay Nene.
Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni nanay yang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy T-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot nyo ang mga iyan sa fiesta.
Suot din ni nanay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kay kuya, kay dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo rin ng tig-isa yung mga pamangkin ko at 'yong isa kay Pareng Tulume.
Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo,diko, na nagbabasketball. Tigdalawang ream ng Marlboro Lights at Winston Red ang nasa pagitan ng mga hita ni Nanay.
Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan ha?
Isang dosenang Wonder bra (Victoria's Secret ata ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay, nakatakip sa Nike wristband. Kunin mo agad, Itay.
May isiniksik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo ng ATM. Puwede na siguro sa libing iyon.
Iyong "tong" na makokolekta sa pasugal, i-time deposit nyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa may kanto.
Tanggalin nyo ang bulak sa ilong ni inay, may isiniksik akong 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon nyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.
Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte na kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.
Balitaan nyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.
Nagmamahal,
Bebeng
SULAT NI BEBENG
Share your Tagon-on Jokes, Funny Stories, Humors, Expression..etc.
Moderators: kampanaryo_spy, cordapya
- steel bridge
- Occasional Member
- Posts: 49
- Joined: Mon Jun 11, 2007 9:35 pm
Post Reply
1 post
• Page 1 of 1
Return to “Tagon-on Jokes, Funny Stories, Humors, Expression..etc.”
Jump to
- INFORMATION DESK
- ↳ Usage Policies & Forum Guidelines
- ↳ Suggestions and Comments about our Website
- ↳ Help Desk, FAQ
- ↳ Questions and Answers
- ↳ Lobby/Guestbook
- ANNOUNCEMENTS
- ↳ Announcements
- ↳ Birthdays
- ↳ Weddings
- ↳ Obituaries
- GALLERY
- ↳ Family
- ↳ Events
- ↳ Barkadahan
- ↳ Blast From The Past
- ↳ Sights & Sounds
- ↳ Youtube Videos
- THE LOUNGE
- ↳ Personality Profiles
- ↳ Personal Reflection
- ↳ Thank You Thread
- ↳ Quaint & Archaic Tinagon-on
- ↳ Lovers in Tago
- ↳ Tagon-on Jokes, Funny Stories, Humors, Expression..etc.
- ↳ Tagon-on Recipes
- ↳ Health & Fitness Thread
- ↳ Hobbies Thread
- ↳ Forum Games!
- UPDATES
- ↳ Tago Updates: (Latest news, weather condition, events, gossips & etc.)
- ↳ WHEREABOUTS
- ALUMNI
- ↳ PS Alumni Database
- ↳ Purisimian Online
- ↳ FMES Online
- ↳ Brgy. Purisima National High School
- ↳ Surigao Del Sur Polytechnic College
- ↳ Pacific View Academy
- ORGANIZATIONS
- ↳ United Tagon-ons in Metro Manila (UNITAMM)
- ↳ Tagon-ons in USA
- EVENTS
- ↳ Community/Government Events
- ↳ ALumni Homecoming
- REALM OF THOUGHT
- ↳ Current Issues
- ↳ Let's Debate
- CLASSIFIED ADS
- ↳ Job Openings
- ↳ Marketplace
- ↳ Product/Service Reviews
- SURVEYS
- ↳ Poll Survey